|
Post by Luzvie A Milton on Aug 16, 2006 8:36:53 GMT 7
Correct ka diyan Janet, let's not talk and mix politics here. This is a very nice site of our very own town! Dapat pasalamat nalang tayo kay Elo for putting this together. This site should also serve as our meeting place, para kunting tsikahan, or kumustahan na parang nasa Guinayangan parin tayo oh di ba? Ako nga kahit na nagka kasakit pa ako at pina-papak ng lamok ay palagi parin akong umuuwi kase talagang ganyan doon ako nanggaling eh. To me, ganon lang yon ka-simple.. Kaya mga kabayan get together naman tayo, parang picnic baga! Hi! Janet, this is Luzvie (Laga) pasensya ka na di na tayo gaanong nakapag tsikahan sa Guinayangan. Di bale kita nalang uli tayo sa Fiesta. Sige Ingat nalang.
|
|
tintin juarez isaacmananghaya
Guest
|
Post by tintin juarez isaacmananghaya on Aug 16, 2006 10:17:05 GMT 7
jannet dito na kami ngayon sa texas. we've been here mga 7 years na. bumabalik lang kami sa chicago every fiesta. promise ko yun sa kanila. musta na.regards to your family.
|
|
|
Post by Loida Tobias on Aug 17, 2006 0:01:45 GMT 7
Hello. I am Loida Guerra Tobias. Tubong Guinayangan din. Ang miss ko sa lahat ng lugar sa ating bayan ay ang ilog ng Frinza. Diyan kasi kami naglalaba ng damit na sangkaterba noong maliliit pa lang kami ng mga kapatid ko. Elementary pa lang ako. Maganda pa ba ang ilog? Haba na ng nalakbay ng Guerra's family. We are all over the place. I am here in Boise, Idaho. Eunice is in Salt Lake City, Utah. Melwida is in Philadephia, New Jersey. Willy is in Saudi Arabia. Most of our siblings are in Manila and Cavite and Laguna. I know, they will agree, Ilog ng Frinza ang memorable lahat sa amin. Ang daming experiences namin diyan. Naroong, habulin kami ng bubuyog, may ahas na gumagapang, umuulan habang naglalaba hanggang anurin ng agos ang mga damit! hehehe... Those were the days! We haven't gone back to our hometown but that is our wish. Someday, we will... Elo, you are the man! All the credit is for you!
|
|
dcd2k
New Member
Posts: 4
|
Post by dcd2k on Aug 17, 2006 3:44:45 GMT 7
ang tindahan ni aling pina
|
|
Loida Guerra Tobias
Guest
|
Post by Loida Guerra Tobias on Aug 17, 2006 23:01:10 GMT 7
Meron pa pala kaming naisip ni Carol during those days na nasa Elementray pa kami(abt. 32 years lang naman ang nakakaraan Ganun na katagal huh? Pero, pero, itanong ninyo iyan sa inyong mga Nanay at Tatay, iyan ang 'in' noong araw at nakaka-miss talaga! Every recess time sa Elem. school, ito ang pinipilahan ng mga batang mag-aaral: Aling Toyang & Carmen's sampaloc kuhit, Lola Carna's burles & hindi burles na mani, Aling Uste's banana Q, Tia Nelly's dilaw na Arroz Caldo, Tiya Filip(ni Carol) ay banana Split, Ice crumble with gulaman at ube ni Kuya Willie! Speaking of 'kuhit' na sampalok. Inilalagay ito ni Tiya Toyang sa pabilog na dahon ng saging iyan as our lalagyan at iyan ang kukuhitin ng mga bata para kainin! Teka, walang hugasan ng kamay, ha? So, ang mga bacteria ng kamay namin noon, nalipat na sa aming tiyan! Wala pa naman kaming alam na hygiene noon! Wala namang naimpatso ah! Ang kay Lola Carna na masarap na maning burles(walang balat) or meron mang balat, talagang superb! sa singkong mani na isang kutsarita ang dami, okay ka na noon! Ang kay tiya Nelly ko naman(kapatid ng Nanay ko si Tiya Nelly) ang superb din ang mga tinda niyang arroz caldo at iyong banana Q ni Aling Uste na super dami sa arnibal ng asukal na nababalutan ang buong banana Q, busog ka na sa sarap! Masarap din ang banana split ni Tiya Filip ni Carol at ang ice crumble ni Kuya ko! iyan ang mga panlaban sa init ng panahon at panlaban sa nagugutom naming mga tiyan noong araw! Iyan ang mga nakaka-miss talaga! Alam kong baon lang namin noon ay kundi singko or diyes yata. Minsan nga, wala pa eh, kaya uuwi ka na lang kapag recess para kumain ng tirang pagkain sa bahay Wow! talagang masarap alalahanin ang mga magagandang nakalipas.
|
|
|
Post by Luzvie A Milton on Aug 18, 2006 8:18:57 GMT 7
:)Naku! Loida may nakalimutan ka pang specialty ng Tiya Nelly mo na favorite ko..ang pansit na sa dahon lang inilalagay oh di ba? Ako nga eh gusto ko pa yong medyo may tutong na ha ha o sarap non di ba? May isa pa si Aling Ester na "snowball" or "scramble" ba yon na pag mainit talaga ay ayos na ayos take home or take it with you kase parang sa "apa" nakalagay. Remember may "ampaw" pa...ha ha..hay grabe ang sarap talaga para tuloy naka ka gutom!!! kaya nga ako pag umu-uwi eh talagang nagha-hanap ako ng mga pagkaing ganito. Kaya kunsume mga utol ko pag andon ako ang hihirap daw at matrabaho ang mga pagkaing hinihiling ko at pinaluluto.
|
|
Loida Guerra Tobias
Guest
|
Post by Loida Guerra Tobias on Aug 18, 2006 21:26:23 GMT 7
Ay Luzvi! Oo nga! I forgot those! Masarap talaga ang mga iyon! Ang pansit ni Tiya Nelly ko!At ang snowball ni Aling Ester. Yeah! Meron pa bang ganun sa Guinay? ang snowball sa apa? Nakaka-miss talaga ang mga iyan! Wala dito niyan sa America! Pero alam mo, puede talagang ipagawa, pero iba pa rin kung mismong sa dating tindera natin bibilhin ano? With matching nostalgia feeling habang kinakain.
|
|
|
Post by ed on Sept 1, 2006 21:01:47 GMT 7
ang na mimiss ko sa guinayangan ay yong pagka mapagcelebrate...natatandaan ko..tuwing may okasyon ginaganap ng buong bayan... yon bang laging may parada o palabas sa pagdaraos ng holidays at holydays... kitang kita kooperasyon ng bawat schools at bawat sectors ng bayan sa pagdaraos ng mga okasyon..kahit anong init ng kalsada kung kailangang mag yapak, kung kailangan mang hiram o gumastos upang makabili ng tamang costume... di ba nakakamiss ang kasayahang mga tulad nyan... that's only in Guianyangan.
|
|
|
Post by Art on Sept 4, 2006 18:40:08 GMT 7
Basta ako MISS ko ang HAGIK-Ik ;D ni Mang Lucas sa Akasya. hehehehe pati n rin yong Bagong lutong Pandikuko tuwing alas dyes ng Gabi.
|
|
|
Post by Nonoy on Jan 6, 2007 14:57:37 GMT 7
Nakakamiss sa Guinayangan?
* PAMA Theater (meron pa ba nito?) * Nutriban at Pansit habhab sa elementary * Pan de Coco sa may acacia * Mami at Palabok ni Aida * Prusisyon kapag mahal na araw * Parada ng lahat ng iskul kapag Manuel Quezon Day * Amateur singing Contest sa plaza kapag fiesta * Alikabok sa Byahe! (Wala na ngayon) * Pandesal ni Lolo Ilad sa umaga * Fresh Buko sa Dangkalan * Manghibasan sa hapon * Sabungan! * Simbang gabi sa labas! * Curfew! * Mga Pangunahing Tindahan: Aling Puring, Claudi de Luna, Tupas, Villasin, Cantong, Hipli (wrong spelling), Diesmos, limot ko na iba.. sensya na. * Liga ng Basketball kapag summer * Fluvial parade (karakol) kapag fiesta ng bayan at manlayo. * Bible Institute! (Buhay pa ba hanggang ngayon?) * Sampalukan ni Mang Tiko! (malapit sa sementeryo) * Tulingan! bagsak presyo noon 5 piso kada kilo, pinipiga at isinasaing na may luya, bawang at suka! Tapos prito at kainin na may kamatis, patis at kalamansi. * bananaque sa may bilyaran * BALIKATAN shade sa may kunbento
|
|
|
Post by knick on Jan 16, 2007 12:49:06 GMT 7
ang may flower at fiesta .at malapit na yun!!!!pero di pa kami makakauwi.... para maki pag mayohan at fiestahan jan. miss ko na rin mga friends ko, sina vane,ninya,ana,carlo,at dami pa sila.
|
|
|
Post by mylene Mandigma on Jan 28, 2007 3:08:33 GMT 7
all the people living in Guinayangan especially yun MAGANDANG PAKIKISAMA. inuman heheheh
|
|
weng pangilinandimasangal
Guest
|
Post by weng pangilinandimasangal on Apr 16, 2007 14:49:55 GMT 7
:)Well i miss all my classmates and bestfriends!sina Avic, Jean, Niza & Mavil. Nung highschool pag nagagalitan kse malakas tumawa. hah hah hah! Na mi-miss ko lalo yung paglalaro ng volleyball, pag compete sa ibang lugar.Syempre dahil player ako lagi exempted sa class. he he he he. Tagal ko na di nakakauwi,try to visit again this year sa fiesta. kse memorable lagi fiesta dyan kse birthday ko yun!
|
|
|
Post by webCrawler on Aug 28, 2008 21:39:37 GMT 7
hi folic here, freelancer web developer and application programmer, everyday nkasalpak ang muka sa aking laptop at nkikipagmarunungan sa mga syntax ng mga web at program sourceCodes... hehe
almost 7 years ko ng di nkikita ang guinyangan despite of the fact na malapit lang naman ako kc nsa lucena lang naman kso wla n ako taong dadalawin jan..
anyway dati tumira ako sa lola namin nung ngaral kmi ng mga sis ko s HS s central s calauag kmi pumasok ewan ko kung nakatayu pb ung building n yun. but wait tga guinyangan p rin ako kc sa brgy. san antonio kmi nkatira nuon its the last brgy. n sakop ng guinayangan n madadaanan mo kung papunta k sa calauag or kung saan man basta plabas k ng guinayangan... meaning lahat kyo n andito e nadadaanan nyo house namin nuon at hindi nyo yn pwede itanggi dhil wla naman kyo iba dadaanan e hehehe..
ang namimis ko sa guinayangan ay walang iba kundi yung falls sa brgy.Gapas wich is katabing brgay nmin so nilalakad lang namin yun para maligo khit araw2 n gustuhin namin...
at ang hindi ko naman nmimis ay yung mga kapitbahay naming maiingay at mga chismosa, yung rough road, yung mga abnormal ang ugali n mga kababata ko hah! growUp! pls!
at ang feedback ko nmn sa webmaster n gumawa ng forum n to GOOD JOB + DOUBLE THUMBS UP...!
may 5min kiss k skin.. joke lang!!
kya lang sana nglagay k ng account or email requirement para sa lahat ng mgpopost d2, para if ever n my info or incoming events, or call for a donation k para sa mga kawanggawa s mga guinyanganin n nangangailangan, or else mga mahahalagang pangyayari jan s guinayangan, madali mo silang maiiupdate... thats the power of world wide web, and its also a benefit of using webbased community such forums like this.
anyway advise lang po yun, base on my knowledge.. peace tyo!
one thing, obviously masyado mahaba yung word n guinayangan, you can make it more simple, short and unique, ikanga "the shorter the better", it saves a lot of time in typing also space and also it doesnt annoy you when constantly repeated in every post or foums n binabasa mo or ng iba such like this...
pinaka mgandang sample nito ung "BATZ" for batangas, "CDO" for cagayan de oro, "PINAS" for pilipinas "LC" for lucena city, or "QC" for quezon city.
the members of this forum can help a lot para marecognize ng marami ung bagong short name ng guinayangan if ever n my gagawa... hope it can help!
have a good day!
|
|
|
Post by folic on Aug 28, 2008 21:43:39 GMT 7
ooops! sori sa email and account issues, meron pala dko lng nkita kgad.... peace!
|
|