|
Post by Dennis T Escobar on Jan 9, 2008 7:51:09 GMT 7
Bagong Health Center...Itinatayo Isinulat ni Dennis T. Escobar (1/7/08)
Ang bagong Municipal Health Center ng Guinayangan, Quezon ay itinatayo na. Ito ay matatagpuan sa compound ng Municipal Public Market sa Brgy. Calimpac. Ang konstruktyon ng nasabing gusali ay sinimulan noong November 2007 at matapos sa Abril 2008, na pinamahalaan nila Engr. G. Arguilles (Project Manager ), Engr. R. Narte ( Project Coordinator ) at Engr. E.Villanea ( Project Engineer ). Ang nasabing gusali ay may kabuang budget na 8.2 milyong piso. Ito ay may floor area na 450 sq.meter, 2 palapag ang taas at may 14 na mga kuwarto kasama na ang conference room. Sa May 2008 ang susunod na artikulo tungkol sa bagong tayong Municipal Health Center, sasamahan ko ng litrato para makita nyo ang hitsura ng “building” at mga kuwarto o “office” ng nasabing gusali.
Hanggang sa muli……..God bless us all !!!
Ako ay nagpapasalamat kay Engr. Gloria Cleope ( Information System Analyst – MPDC Office ) sa mga impormasyon para maisulat ko ang article na ito.
|
|