Post by Dennis T Escobar on Jan 9, 2008 8:40:17 GMT 7
Mga Nabago sa Simbahan ng Guinayangan 2007
Sinulat ni Dennis T. Escobar ( 01/08/08 )
Maraming nabago sa hitsura ng simbahan ng bayan ng Guinayangan ng nakaraang 2007 sa pamumuno ni Rev. Fr. Jose Pancrasio Seco ( Kura Paroko ) at ni Fr. Romel Rosales.
Ang altar ay puro marmol, ang flooring ng simbahan ay gawa sa tiles, ang mga upuan ng nagsisimba ay bagong repair at pinturado, ang “12 mystery” na nakapalibot sa loob ng simbahan ay pinalitan ng “marmol with glass picture”, mayroon na ring “comfort room” para sa mga nagsisimba at higit sa lahat, ang simbahan ngayon ay mayroon ng pakaganda-ganda at “fully aiconditioned confession room”. Noong naandon nga ako sa loob ng confession room, parang gusto ko na kaagad mangumpisal ( joke lang…..kokonti pa po naman ang kasalanan ko, sabi ng sarili ko ), ganoon kaganda iyon.
Kung kayo naman ay lalabas ng simbahan, sa may gawi ng munisipyo, mapapansin nyo ang groto na bagong gawa. Inabot iyon ng humigit-kumulang ng 150,000 pesos. Ito ay donasyon ni “ Late Vicente Aguilar and Family” na naninirahan sa “California, USA”.
Ang laki na ng improvement ng ating simbahan. Ang hindi na lang nagagawa ay ang kisame at playground, nag-iipon pa ng budget mga kabayan. Kaya’t kung sino pang may mabuting kalooban na gustong magdonate ay dalawang kamay po’ng tinatangap ng ating simbahan. Pareng Arthur Ardiente, tinatawagan ka……..biro lang, pero kung tototohanin mo maraming salamat.
At ang huling bago sa ating simbahan ngayon ay ang ating Kura Paroko. Opo mga kabayan, lilipat na si Rev. Fr. Pancho at si Fr. Romel ngayong Jan. 9, 2008. Ang ating magiging bagong Kura Paroko ay si Rev. Fr. Ibarra Zoleta.
Hanggang sa muli……..God bless you !!!
Ako ay nagpapasalamat kina Dada Lobarbio, Roda Gonsales at Totoy Aguilar sa pagbibigay ng impormasyon upang maisulat ko ang artikulong ito.