|
Post by leo ma on Jan 6, 2009 21:37:45 GMT 7
Guinayangan ba o Guinyangan? Isang letra lang ang kaibahan pero malaking epekto sa bayan.
Me nagtanong na ba sayo kung taga saan ka? at ano ang sinagot mo?
Kapag sinabi mo na taga Guinayangan ka I'm sure 'di nila alam kaya ssabihin mo na taga Guinyangan ka at dun nila maiintindihan kung taga saan ka.
Alin po ba ang mali, ang spelling o ang pagbigkas?
|
|
|
Post by OSEP on Jan 7, 2009 14:00:59 GMT 7
Tama ung spelling na GUINAYANGAN, pero sa paglipas ng panahon ganun din sa ang naging pagbaybay ng Guinayangan ay sa wikang kastila dahil sa mga prayleng kastila ang bumigkas ito ay naging guinyangan. omitted n yung letrang "A".
|
|
|
Post by leo ma on Jan 7, 2009 14:57:59 GMT 7
Naniniwala ba kayo mga kababayan na malaki ang epekto nito sa pagkakakilanlan ng ating bayan.
Para kang isang tao n dalawa ang pangalan o para kang nag aadvertise ng isang produkto na dalawa ang brandname, tama-mali?
|
|
|
Post by sir cris avila on Jan 7, 2009 22:22:42 GMT 7
???Tama ang GUINAYANGAN, ito ang wastong baybay kung iyong isusulat, subalit kapag binigkas maaaring GINYANGAN, maaari ring GINAYANGAN.
Ayon sa kasaysayan, dapat itong bigkasing GINAYANGAN, mula sa salitang GAYANG, isang uri ng lason na inilalagay ng ating mga ninuno sa kanilang sibat, "GINAYANGAN" means nilagyan ng GAYANG. Ganito daw marahil ang pangungusap na kinaringgan nito: " Ginayangan namin ang sibat na ito upang maging malakas na sandata sa mga kalaban."
"Kaya agad namatay ang kalabang aking natudla dahil GINAYANGAN ko ang sibat."
Ang talang ito hinggil sa pinagmulan ng pangalan ng ating bayan ay lingid sa kaalaman ng ating mga kababayan.
Dahil sa mabilis na saltik ng ating dila, ang GINAYANGAN ay nagiging GINYANGAN na kinasanayan ng iba. Ang GINAYANGAN ay binaybay na GUINAYANGAN ng mga kastila.
Pansinin ang pagkakatulad sa pangalang GUINUBATAN, ALBAY.
Ang kaalamang ito ay ibinahagi lamang sa aming ng aming guro sa elementarya. (GES-Central)
|
|
|
Post by leo ma on Jan 8, 2009 12:48:57 GMT 7
Thanks for the info sir cris avila at OSEP, but I think everyone knows this if you are a "true blooded Guinayanganin or Guinyanganin." Pero pano yung mga hindi nkakaalam, do we have to explain this to each and everyone of them forever?
My point is, this is a problem eventhough it doesn't affect our lives directly but it does affects our town's identity.
|
|
|
Post by OSEP I on Jan 8, 2009 15:38:10 GMT 7
Well kung identity ng bayan ang gusto mong ipoint out. di lang naman s pangalan ng bayan nakikilala ang isang bayan,kundi sa mga tao din na ninirahan s bayan ng guinayangan, o ung mga tubong guinayanganin, kung pano nila, ang kanilang bayan ay ipinakikilala s ibang tao. o s ibang bayan, lalawigan o sa boung pilipinas, maging sa ibang bansa. ang isang bayan ay nakikilala dahil s mga taong my concerned s kanilang bayan na ipromote sa iba na ang kanilang bayan ay kilala sa mga bagay na talagang pwede nila maipagmalaki. ang guinayangan ay makikilala kung ikaw mismo ang mapapakila na ang bayan ng guinayangan ay mayaman s lamang dagat, minsan ng iprinomote na " SEAFOODS PARADISE " ang guinayangan na pinalitan na ng GAYANG FESTIVAL.. Pagdating s Transportation. Ang Bayan ng Guinayangan lamang ang my pinakamarming Bus sa boung Quezon o maaaring sa ibang lalawigan, na ang mismong may ari ng mga bus ay talagang isang Guinayanganin. ang ruta ng bus ay hindi lamang sa lalawigan ng Quezon kundi abot hanggang Manila. Ang Tuyo at Tapa ng Manlayo ay maipagmamalaki rin ng guinayangan dahil sa masarap nitong lasa maging sa ibang bansa ito ay nakakarating at boung ipinagmamalaki ng guinayanganin na ang tuyo at tapa ay galing mismo sa bayan ng guinayangan. Maging ang magagandang tabing dagat na sa kasalukuyan ay di palang nadedeveloped na kung pagtutuunan ng pansin ito ay makakaakit ng turistang lokal at dayuhan. Yan ang ilan sa mga bagay n pwedeng maging identity ng bayan ng guinayangan... Hindi lamang sa pangalan nito, kung hindi man tugma ang pagbaybay ng pangalan nito sa tamang spelling....
|
|
|
Post by leo ma on Jan 8, 2009 18:07:24 GMT 7
He he, nice one OSEP. Hindi natin pwedeng idisregard ang kagandahan ng ating bayan at iba pang katangian nito n napost n rin s iba pang mga topic d2, at syempre isa rin siguro yun s purpose ng website n 'to, ang ipromote ang bayan natin. We have a wonderful town, no doubt about it. So, balik tayo s topic, he he. Sabi mo hindi lang sa pangalan mkikilala ang bayan. Pero teka, pano k mkikilala kung ala kang pangalan? he he, peace tayo. Para kasing ngiging two different places ung Guinayangan at Guinyangan eh. Naisip ko lang bkit kya 'di n lng baguhin ang pangalan ng Guinayangan sa Guinyangan? Total ala n nman tayo s panahon ng mga prayle eh, hindi nman tayo mga slang. Pwede kaya yun?
|
|
|
Post by osep II on Jan 9, 2009 16:33:05 GMT 7
Ang tanong mo ay kung pwede n palitan ang pangalan n guinayangan, at gawing guinyangan ayon s pagkakabigkas nito?
Marahil ay pwede subalit mahaba at matagal n usapin ito.
Kinakailangan na mayroong isang konsehal ng bayan na magpropose nito na baguhin ang pangalan, ito marahil ay dadaan pa sa panlalawigang kapulungan na kung saan ito naman ay pauusapan ng mga bokal at pagbobotohan. at kung hindi rin ako nagkakamali, ito ay iindorso pa sa kongreso. at senado. hanggang sa ito ay pirmahan ng pangulo at maging ganap n batas.
at sa kahulihulihan ay magkakaroon ng plebisito o botohan sa bayan ng guinayangan.. Na ang magiging tanong ay " Dapat bang palitan ang Guinayanagan at gawing guinyangan? " YES or No " at kung manalo ay yes.
Ito na ngaun ay tatawaging Guinyangan ayon sa pagakabigkas.
Leo, hindi ako cgurado kung ganyan nga bang proseso ang mangyayari kung sakali na palitan ang pangalan. pero pwede na palitan.
Ang pinagbasehan ko lamang nyan. ay nitong katatapos na plebisito ng hatian ng quezon na di naman natuloy dahil nanalo ay no..
|
|
|
Post by leo ma on Jan 9, 2009 18:16:54 GMT 7
kakosang osep, palagay mo b npapanahon n para plitan ang spelling ng ating bayan? ano kaya kung mag post tayo ng poll dito, vote for yes or no, he he.
hindi kaya tayong dalawa lng ang boboto, tpos hati pa no, he he. si sir cris avila ang magiging tie breaker natin, nye he he!
|
|
|
Post by Osep III on Jan 10, 2009 8:15:38 GMT 7
Sa tingin ko, hindi n muna dapat pang pag usapan ang ganyan pagpapalit, kasi marami pang mga bagay na dapat unahin ang ating mga leader para sa kapakanan at pangangailangan ng tao gayundin ang pagpapaunlad ng bayan, hindi ko alam kung papano sila ngtratrabaho.
alam mo leo ang tagkawayan ay brgy lamang ng guinayangan dati, ngaun 2nd class municipality sila. ang guinayangan 4rth or 3rd class municipality. di kaya ang bagal ng pagunlad ng bayan ng guinayangan,?
|
|
|
Post by leo ma on Jan 10, 2009 13:13:17 GMT 7
'yan nga rin ang naiisip ko OSEP, kya ko ginawa ang thread n 'to. oo nga at alam ntin n 'di ntin nararamdaman ng direkta ang epekto ng pangalan ng ating bayan s pag unlad ng ating bayan, pero still I believe n nkakaapekto ito s pag unlad nito. maybe 1% o 2%, pero nkakaapekto p rin.
I remember when I first stepped on college, syempre you will meet new friends, introduce yourself, "ano pangalan mo?" then "tagasaan ka?", un always ssagot ko taga Quezon ako, "Guinayangan" (ung tamang bigkas not silent "a", un ang turo s school eh). "saan un?" tnong nila, sagot nman uli ako "malapit un s calauag, sa may ganun, s may ganito (explain to the max)" then sagot sila, "'di ko alam un." stop conversation, finish. palaging ganun everytime me mamimeet. naisip ko n lang n baka di talaga nla alam un. then one time, me bago meet n fwendly fwends, sbi ko taga Guinayangan ako (explain to the max again) tpos ngulat n lng ako ng sinabi nya n "bka guinyangan?", un nga, tumpak! tpos un, kwentuhan n ng mraming bagay, mga kilala nya, mga npuntahan nya, at hindi ako nhirapan n ibida ang bayan ntin and he turned out to be one of my best buddies in college.
I just wander, kung binigkas ko kya ng guinyangan mula p noong una, ilan kya s mga nmiss ko ang talagang nkkakilala s bayan ntin?
|
|
|
Post by osep IV on Jan 10, 2009 14:20:31 GMT 7
Parehas lang tayo. ako mismo nung nag college ay nakaencounter din ako, gaya ng kwento mo.
isa sa nakikita kung paraan kung paano ang bayan ng guinayanagan ay makikilala.......
Sa pamamagitan ng EcoTourism........
|
|
|
Post by nairb on Jan 10, 2009 14:37:14 GMT 7
anak ng patuka tol,,,,, hehehehe.... dami mong naiisip.... uwi ka na kc..... by the way.... wala namng pinagkaiba yun.... pag tinanong ka kung taga san ka ehh.. iisa lang din isasagot nila.... SAAN YUN ? ano yun ulit??? GUINYA... GUINYANGAN PO... southern tagalog region po.. province of QUEZON.... yan lage sagot ko... hehehehehehehehe makikinig mo pa never heard daw??? sarap sapakin tol.... hehehehehe pero ok lang.... wag na lang silang magbalak punta dito... patitira ko sila sa tambay ng ACACIA... whahahahahaha.... bawal ba post ng ganito dto??? tol aisey sumbong mo na lang ako kay mommy... GOD BLESS GUINYANGANIN... BE PROUD..... Musta leo ronnie totchie ingat lage... size 10 1/2 nga pala shoe size ko mga tol baka malimutan nyu hehehehehe rubber shoes na puti... yung wala sa divisoria at baclaran whahahahaha
|
|
|
Post by leo ma on Jan 10, 2009 16:28:04 GMT 7
wah ha ha! pareng nairb, hyper level active ah! he he he at nag plugging kp. ;D
un nga, i'm sure hindi lang ako ang nka experience ng gnung pangyayari. madalas iisipin n lng ntin n hindi nga tlaga nila alam ang lugar ntin. pero pano nga kung alam pla nila kso iba nga lng ang pagkabigkas ntin?
sa ngayon, 'di pa ntin nraramdaman ang epekto nito cguro dahil n rin s 3rd or 4th class municipality tayo, pero pag dumating ung time na 2nd class or 1st class municipality n tau, i'm sure dun natin mararamdaman un.
kung meron po kayong mga experiences tungkol d2, welcome po mga posts nyo. tambay lang po tayo s site.
for now, post uli tau ng panibagong topic tungkol s naisip ni boss osep kung pano mkikilala ang Guinayangan. Kitakits tau dun.
|
|
|
Post by ronnie on Jan 16, 2009 0:40:29 GMT 7
kulit mo pareng leo< kasi kilala lang kita at sikal na maraming tanong<<< point ko lang pre<, ginyangan or ginayangan? pag sosi ka ng konti at medyo slang tell "guinyangan" kung natural na pinoy pre "ginayangan" ang bigkas. so sa mga sosi jan kahit ano pa man be proud to be guinyanganins mabuhay tayo
|
|